Latest News

Final Testing ng VCMs para sa Feb. 25 Special Elections sa Cavite, matagumpay

Matagumpay na naidaos ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo ng umaga ang Final Testing and Sealing (FTS) ng may 426 vote-counting machines (VCMs) sa may 75 voting centers sa 166 barangays ng Trece Martires City at mga bayan ng Amadeo, Indang at Tanza sa Cavite.

May kaugnayan ito sa special elections na nakatakdang idaos sa Pebrero 25, 2023 para sa pagka-congressman ng ikapitong distrito ng lalawigan.

Batay sa pangkalahatang ulat ng Comelec, gumana ng maayos at bumilang ng wasto ang lahat ng 426 VCMs sa gagamitin sa naturang special elections.


Ayon sa Comelec, walang pumalyang makina o SD card nang isagawa ang FTS.

Ang tangi anilang naobserbahang isyu ay ang pagkakaroon ng paper jam na kaagad din namang naremedyuhan sa pamamagitan nang pag-wasto ng pwesto ng CVM sa ibabaw ng ballot box upang magtugma ang ballot exit slot sa entry receptacle.

Pagsapit ng alas-11:15 ng umaga ay natapos na ang FTS sa karamihan sa 75 voting centers habang ang iba pa ay nagsasagawa na lamang ng kaukulang administrative procedures.

Sinabi ng Comelec na ang isinagawang FTS ay ang huling bahagi ng mga proseso ng Automated Elections System (AES) bilang paghahanda sa gaganaping special elections.


Sa FTS, tiniyak ng mga halos 1,300 miyembro ng 426 electoral boards (EBs) na kumpleto na ang kanilang kits, kung saan makikita ang selyadong VCM, na may selyadong main at back-up SD cards, kasama na mga iButtons, thermal paper rolls, plastic seals, marking pens at mga dokumento at checklists.

Nabatid na kasama sa nag-test vote sa nasabing FTS ay sina Comelec Chairman George Erwin Garcia at Commissioner Nelson Celis sa Clustered Precinct No. 11 ng Barangay Amaya sa Amaya Elementary School sa Tanza, Cavite. (Anthony Quindoy)

Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read