Itinalaga ni Pope Francis bilang auxiliary bishop sa US diocese ng El Paso, Texas si Monsignor Anthony Celino, isang Filipino immigrant na kasalukuyang pastor ng St. Raphael Parish.
Inianunsiyo ng Vatican ang appointment ng pari bilang auxilliary bishop alas- 12 ng tanghali, oras sa Roma o alas-7 ng gabi sa Maynila.
Si Celino ang unang auxiliary bishop ng El Paso mula nang maitatag ang diocese noong 1914
Napag-alaman na si Celino ay mula sa Anda, Pangasinan, Celino, at may 25 taon nang pari.
Nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa Mary Help of Christians Seminary sa Dagupan City noong 1993 at pagkatapos ng kolehiyo ay nag-immigrant sa El Paso.
Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral ng theology sa University of Saint Mary of the Lake sa Illinois at na-ordain noong 1997. (Carl Angelo)














