Latest News

FILING NG GUN BAN EXEMPTION SIMULA NA

By: Victor Baldemor Ruiz

Simula na ngayong Lunes, June 5, ang pagtanggap ng Commission on Elections (COMELEC) ng mga aplikasyon para sa gun ban exemptions.

Kaugnay ito ng nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na October.

“As per COMELEC Resolution 10905, ang election period ay mula August 28 hanggang November 29. Sa panahong ito ay mahigpit na paiiralin ang total gun ban,” pahayag ng Comelec. Simula ngayong Lunes din ang filing ng application for gun ban exemption.

Kasabay ito ng mas pinaigting na kampanya ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police laban sa mga ‘loose firearms.’

Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, mas maaga ngayon ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa gun ban exemptions.

Nabatid na nagsagawa na ng mga pagpupulong ang mga Area Police at Military Command kasama ang Commission on Election at maging ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Districts bilang paghahanda sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Samantala, sa likod ng ilang nap ulat na political violence ay wala naman aniyang nakikita ang poll body na posibleng paglobo ng aplikasyon para sa gun ban exemption. Nangangahulugan umano ito walang mga nagaganap ngayon na karahasan na may kinalaman sa nalalapit na halalan.

Nabatid na pinulong na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr., ang mga regional director at unit heads para magbaba ng direktiba hinggil sa papalapit na eleksyon at kabilang sa kanilang tinututukan ang accounting ng loose firearms na posibleng magamit sa krimen, kabilang na ang mga baril na nasa pag-iingat ng mga pulis at militar.

Base sa datos ng PNP, nasa halos 19,000 police at military personnel ang hindi pa nakakapag-renew ng kanilang lisensya ng baril.

Samantala, kasalukuyang kinokonsidera ng Committee on the Ban of Firearms and Security Concerns ng Commission on Elections ang panukala ng AFP na isama ang mga air gun at mga gun replica sa ipapatupad na gun ban.

Tags:

You May Also Like

Most Read