Tinanghal na Miss Universe 2022 ang Filipino-American na si R’Bonney Gabriel ng United States sa finals night ng pageant na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA noong Sabado, Enero 14, (Linggo ng umaga sa Manila).
Tinalo ni Gabriel ang 83 kandidato sa kumpetisyon upang maging ika-siyam na kinatawan ng USA upang manalo ng titulo. Ang Filipino-American beauty queen ang humalili kay Harnaaz Sandhu ng India.
Ang iba pang nanalo ay sina:
1st runner-up: Amanda Dudamel (Venezuela)
2nd runner-up: Andreína Martínez (Dominican Republic)
Samantala, bigo si Celeste Cortesi ng Pilipinas na makapasok sa Top 16 ng pageant, na pinutol ang 12-taong sunod na pagpasok ng bansa sa semifinals.
Ang 71st Miss Universe pageant ay ang unang edisyon sa ilalim ng bagong may-ari ng prangkisa na si Anne Jakrajutatip.