PINAGHANDAAN ng Philippine National Police ang kanilang ipatutupad na seguridad sa gaganaping FIBA Basketball World Cup sa Pilipinas .
Inihayag ng PNP na nasa mahigit 4 na libong pulis ang kanilang idedeploy sa Metro Manila at Central Luzon habang ginaganap ang FIBA Basketball World Cup 2023.
Ayon kay police spokesperson PCol. Jean Fajardo,. bukod sa nasabing puwersa ay aayudahan din ang PNP ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross.
Nabatid na ikakalat ang nasabing puwersa sa sa mga itinakdang playing venues kabilang dito ang Philippine Arena, sa Araneta Smart Coliseum, at maging sa SM Mall of Asia Arena at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng tao.
“May mga soft deployment na tayo particularly diyan sa mga airport at doon sa mga building area. Simula kahapon ay nagsimula nang magdatingan ‘yung mga participants at delegates kaya mayroon na tayong deployment,”ani Fajardo sa ginanap[ na balitaan.
Naniniwala ang pamunuan ng kapulisan na matitiyak nila ang kaligtasan at seguridad sa nasabing international ball game at maging ang kaligtasan ng mga participants or delegates at maging ang mga manonood.














