Latest News

FFW, nagpapasaklolo sa CBCP sa P150 legislated wage increase

By: Carl Angelo

Nagpapasaklolo ang Federation of Free Workers (FFW) sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na suportahan ang isinusulong na P150.minimum wage increase ng mga manggagawa.

Nabatid kay CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na nagpadala ng mensahe ang FFW na humihiling ng pakikiisa ng Simbahan para sa kabutihan ng mga manggagawa.

“We are aware of the arguments put forth by business groups, including ECOP, PCCI, and FFCCCI, who express concerns about the potential impact of wage increases on the business environment. However, we firmly believe that increasing wages will not only improve the quality of life for workers but also contribute to a stronger consumer base, which, in turn, fuels economic growth,”nakasaad sa mensahe ng FFW.


Naniniwala ang Labor Group na sa tulong ng pakikiisa ng Simbahan ay kaagad na maipaparating sa pamahalaan at mga mambabatas ang kahalagahan na itaas ang natatanggap na suweldo at benepisyo ng mga manggagawa.

“We encourage all parties to engage in constructive dialogue to find solutions that promote the well-being of Filipino workers without compromising the nation’s economic prospects. Your guidance and support in this endeavor would be invaluable, and we look forward to the possibility of working together for the benefit of our nation’s workforce,” ayon pa sa mensahe ng FFW.


Nanawagan rin ng pakikiisa ang FFW sa mga Muslim at iba pang Evangelical Churches upang mapalakas ang apela at makamit ng mga manggagawa ang nararapat na pasahod.

Napag-alaman na ang P150 increase ay isinusulong rin ng Makabayan Bloc sa kongreso hanggang sa 750-pesos wage hike upang makamit ang 1,160-pesos na Family Living Wage.


Tags: Federation of Free Workers (FFW)

You May Also Like

Most Read