FFCCCII, OPTIMISTIC SA EKONOMIYA NG PILIPINAS NGAYONG 2023

SA pagsalubong ng Chinese Lunar New Year ay naging optimistic ang pagsalubong ng malaking grupo ng Filipino- Chinese businessmen sa tatahakin ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2023.

Ayon Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), president Dr. Henry Lim Bon Liong, magiging masigla ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon ng “Water Rabbit”.


Sa pagtataya ng FFCCCII ay posibleng papalo sa 6.5% to 7.5% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Pahayag ni Mr. Wilson Lee Flores, isa sa opisyales ng FFCCCII, masigla ang pagtataya ni Dr. Henry Lim Bon Liong, sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kumpiyansa si Flores na hindi mimintis ang FFCCCI President dahil kahit noong isang taon ay naging tama ang forecast nito na papalo ng hanggang 7% ang economic growth ng bansa, na nagkatotoo naman.


“Maraming rason sa pag-ayos ng ekonomiya, dahil walang lockdown at masuwerte tayo kapitbahay natin ang China na number 2 largest economy at ngayong nagbubukas na sila makaraan ang tatlong taon, lahat ng kanilang kapitbahay, kasama ang Pilipinas ay makikinabang,” ayon kay Flores.

Samantala, tagumpay ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pilipinas particular sa bahagi ng Chinatown sa Binondo pahayag mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna at ito ay sa pakikipagtulungan at koordinasyon sa pagitan ng Chinese-Filipino community at ng city government ng Maynila sa pangunguna ni City Administrator Bernie Ang.


Mismong si Chinese Ambassador Huang Xilian ay naki-isa sa Lungsod ng maynila sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.

Sinabi naman ni Flores, ang may ari rin ng pamosong Kamuning Bakery, tradisyon para sa mga kapatid na Tsino ang Chinese New Year, na isang pagkakataon ng pagpapahalaga sa pamilya.


Ibinahagi ni Flores na ang susi sa matagumpay na negosyo ay kasipagan, pagsusumikap, kalusugan at pagmamahal sa pamilya at ang pananalig sa Panginoon.

“Ang mensahe para sa Year of the Water Rabbit ay laging optimistic, hopeful, pag-asa, magsumikap, kalusugan at pamilya. Kaya ang Chinese New Year ay family reunion, visiting friends, kasi mahalaga ang pamilya,” ayon kay Mr. Flores. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

 



Tags: Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII)

You May Also Like

Most Read