Naniniwala ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na dapat sumali ang Pilipinas sa paparating na Canton Trade Fair dahil maisusulong umano nito ang pagnenegosyo sa bansa tungo sa maunlad na ekonomiya .
“Naniniwala kami sa FFCCCII na ang negosyo at ekonomiya ay mahalagang mga sandata sa pagtataguyod ng mapayapa at maunlad na kinabukasan para sa Pilipinas. Sa pagkakaisa at kooperasyon, magtulungan tayo upang palakasin ang ugnayan at pagnenegosyo ng Pilipinas at Tsina,” panawagan ni FFCCCII president Cecilio K. Pedro sa isang talumpati sa Canton Trade Fair roadshow na hino-host ng Chinese Enterprises Philippines Association na pinamumunuan ni i President Hu Xinquan sa Seda Hotel, BGC, Taguig City.
“I express our unwavering and wholehearted support for Philippine participation in this esteemed global event. The success of the Canton Trade Fair not only promises to invigorate economic progress across our Asian region, including our country the Philippines, but it also serves as a cornerstone for regional stability and cooperation,” paliwanag ni Dr. Pedro.
“Ipinapahayag ko ang aming hindi natitinag at buong pusong suporta para sa pakikilahok ng Pilipinas sa iginagalang na pandaigdigang kaganapan,” dagdag pa nito.
Ang tagumpay ng Canton Trade Fair ay hindi lamang umano nangangako na paiigtingin ang pag-unlad ng ekonomiya sa ating rehiyon sa Asya, kabilang ang ating bansang Pilipinas, ngunit ito rin ay nagsisilbing pundasyon para sa katatagan at pagtutulungan ng rehiyon,” ani Pedro.
Ang 135th Canton Import and Export Fair—mas kilala sa buong mundo bilang “Canton Trade Fair” ay gaganapin mula Abril 15 hanggang Mayo 5, 2024 sa Guangzhou City, na sumasaklaw sa 1.55 million square meters na floor area na paglalagyan ng mga exhibit mula sa may 28,000 kumpanya. Ang “Canton” ay ang lumang pangalan ng Lungsod ng Guangzhou.
Sinabi ni Dr. Pedro na ang kalakalan ay isang magandang paraan upang isulong ang mas mabuting pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa at kapayapaan para sa sosyo-ekonomikong pag-unlad.