FETUS, NATAGPUAN SA MCARTHUR BRIDGE

Buo na ang katawan ng isang hinihinalang nasa anim hanggang walong buwang gulang na fetus na lalak, ang natagpuan ng isang volunteer sweeper,kahapon ng umaga sa McArthur Bridge sa Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Cpl.Jamie Balang ng Manila Police District-homicide section, alas- 7:25 ng umaga nang makita ni Ed Crun, 67, volunteer sweeper sa Liwasang Bonifacio, ang isang kulay puting plastic bag sa southbound ng McArthur bridge.


Dinampot ni Crun ang plastic para ilagay sa garbage bag nang mapansin niya na kakaiba ang bigat ng plastic

Binuksan ni Crun ang plastic at dito tumambad sa kanya ang ulo ng fetus na lalaki na itinatayang nasa 6-8 buwan na nakabalot sa tuwalya.

Kaagad ipinagbigay-alam ni Crun ang ukol sa nakitang fetus sa Lawton Police Community Precinct (PCP) na siyang tumawag sa MPD-Homicide section. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like