Latest News

Fetus, natagpuan sa drainage

By: Carl Angelo

Natagpuang inihulog sa drainage ng isang di nakikilalang babae ang isang fetus kamakalawa ng madaling araw sa may Cristina Street corner España Boulevard, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay PSSg Teody Siguen, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, nakakabit pa ang inunan ng lalaking fetus na tinatayang nasa walong buwang gulang.

Nabatid kay Jamma Nuevas, 38,guro at taga 975 Maria Clara St. Sampaloc, Maynila, na nadaanan umano niya alas -5:30 ng umaga habang ihahatid ang kanyang anak sa paaralan ang suspek na inilarawan niyang nakasuot ng kulay itim na t shirt at gray na pajama nang inihulog ang ecobag sa nasabing drainage.


Nang mapadaan sa drainage, umalingasaw ang mabahong amoy mula sa ecobag na may nakalagay na kulay itim na garbage bag kaya ipinagbigay- alam niya ito sa barangay.

Nang maiahon ang ecobag at buksan ang garbage bag , nakita ang lalaking fetus na ngayon ay nakalagak sa funeral parlor, habang kinikilala naman ng pulisya ang babaeng nagtapon nito.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read