Lumutang sa estero ang isang lalaking “fetus” na walang ulo, na namataan ng isang backhoe operator habang naglilinis ng estero, kamakalawa ng umaga sa Estero de Valencia, Prudencio corner Arevalo Streets, ,Sampaloc,Maynila.
Ayon kay PSSg Zoilo Nazario,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, sa kabila nang walang ulo ang lalaking fetus na itinatayang nasa apat hanggang anim na buwan ay nakakabit pa rin ang umbilical cord nito.
Nabatid na alas- 10 ng umaga nang mamataan ang fetus ni Michael Soposo,41, backhoe operator, habang naghuhukay sa estero. Ang fetus ay nakasilid sa plastic na galon.
Nang kunin ang galon, nakita niya ang fetus na walang ulo kaya kaagad niyang ipinagbigay- alam sa barangay na siyang tumawag sa MPD-hs.
Dinala ang pugot na fetus sa funeral homes para sa safekeeping habang patuloy na inaalam kung sino ang nagtapon ng fetus sa estero. (Arsenio Tan)














