FETUS NA NASA GLASS JAR, NATAGPUAN SA ESTERO

By: Baby Cuevas

ISANG fetus ang natagpuan ng dalawang ‘estero rangesr’ na nakalagay sa isang ‘glass jar,’ habang sila ay naglilinis sa isang kanal kahapon ng umaga sa P. Herrera Street sa Tondo, Maynila.

Ayon kay P Capt Dennis Turla,hepe ng Manila Police District -homicide section, ang nasabing fetus ay natagpuan nina Renato Signe at Armando Tejero dakong alas -8:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.


Hindi pa umano matiyak ng pulisya ang kasarian ng fetus na itinatayang nasa 12 linggo o tatlong buwang gulang na.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang naglibing ng fetus sa kanal habang dinala ang jar sa punerarya para sa safekeeping.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like