Latest News

Fetus, iniwan sa labas ng condo

Isinilid sa kulay brown na kahon bago iniwan sa loob ng compound ng Deca Homes Condominium ,kamakalawa ng hapon sa Vitas,Tondo,Maynila.

Natagpuan sa pagitan ng Building 7 at 8 ng garbage collector na si Gil Siason at Alvin Abayan habang pinaghihiwa-hiwalay ang mga kinolektang basura ang kulay brown na kahon at nang buksan ay nakita ang fetus na nasa apat na buwang gulang, alas- 12:30 ng hapon.

Kaagad ipinagbigay-alam ng dalawa sa property administrator na si Jay Rommel Caramat ang nakita at ito ang siyang tumawag sa Manila Police District-Police Station 1.


Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Manila Police District-homicide section para malaman kung sino ang nag iwan ng kahon sa lugar. (Philip Reyes)


Tags: Deca Homes Condominium

You May Also Like

Most Read