Nakikipag ugnayan na ang Food and Drugs Administration(FDA) sa Monde Nissin Philippines na siyang nagmamanupaktura ng Lucky Me Noodles para alamin kung nakakasunod sila sa pamantayan.
Kinumpirma rin ng FDA,ang reports sa pag recall ng Lucky Me,instant pancit canton noodles sa mga bansa sa Europa matapos madiskubre ang mataas na.level ng ethylene oxide.
Sinabi ni OIC Director General Dr.Oscar Guttierez,Jr. ,na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng imbestigasyon at kaagad itong ipapaalam sa publiko na tumatangkilik ng Lucky Me Noodles.
“The FDA is currently investigating this matter and coordinating with the aformentionedfood business operator to check its compliance. We shall povide updates on the result of Investigation for public information,”ayon kay Guttierez.
Ayon kayGuttierez ang ethylene oxide ay ginagamit na pang dis-infect ng mga herbs at spices,para makatiyak sa kaligtasan ng publiko kaya ito ipinagbawal
sa European Union ang paggamit nito sa pag strilized ng mga pagkain.
Sinabi pa ni Guttierez na may na trace mula sa ingridients o raw materials na mataas na level ng ethylene oxide at ang EU ay nagtakda lamang ng mababang level ng residue base sa uri ng commodity. (Carl Angelo)














