Inalerto ng Food and Drug Administration (FDA),ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng apat na klase ng medical device products na hindi sumailalim sa masusing pagsusuri ng ahensiya.
Kabilang sa mga naturang medical device products ang “Elderjoy Adult Slim Pants,” “Adhesive Wound Dressing-Adhesive Island Dressing With Non-Adhering Pad,” “5m Waterproof Medical Tape Anti-Allergic Pu Film Gauze Pad Transparent Fixation Tape Health Care,” at “Fever Aid For Kids.”
Ayon sa FDA, ibinabala ang nabanggit na medical product para mabigyan ng proteksiyon ang publiko sa pagbili ng mga produktong hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng ahensiya.
Kinumpirma sa isinagawang post-marketing surveillance na ang mga naturang medical device products ay kulang sa kinakailangan na notification at walang Product Notification Certificate na inisyu mula sa FDA.
Pinaalalahan ng FDA ang mga establisimiyento laban sa pagpapamahagi,pagbebenta o pag-advertise sa mga nabanggit na medical device products .
Iginiit rin ng FDA sa mga consumer na bumili lamang ng mga produkto sa mga FDA-licensed facilities para makatiyak ng kaligtasan at epektibong produkto.
Sinumang lumabag ay maaring mahareap sa kaparusahan mula sa FDA.














