Latest News

FB page ng Marikina LGU, inatake ng hackers

By: JANTZEN ALVIN

Maging ang Facebook page ng Marikina City government ay hindi pinalampas at inatake rin ng mga hackers.

Mismong si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang nagkumpirma na inatake ng hackers ang FB page ng kanilang Public Information Office (PIO).


Ayon kay Teodoro, sa ulat ng mga staff ng PIO, ‘inaccessible’ o hindi na mabuksan ang naturang FB page, simula pa noong Pebrero 21.

Kaagad umano niyang pinaimbestigahan ang insidente at ditto nakumpirma nilang cyberattack nga ang nangyari.


Anang alkalde, naapektuhan ng pag-atake ang communication channel ng LGU sa paghahatid ng impormasyon sa kanilang mga nasasakupan.

“The “Marikina PIO” Facebook page has been hacked by unscrupulous individuals, rendering it inaccessible to our PIO personnel. Our official Facebook page became inaccessible to our staff on February 21, 2024. This cyberattack on the city’s official communication channel has affected our ability to provide unhampered assistance to the people of Marikina,” ani Teodoro.


Kaugnay nito, hinikayat ng alkalde ang kanilang mga kababayan na magtungo muna sa FB page ng Marikina City Rescue 161 upang doon isangguni ang kanilang mga concern o hinaing.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang pamahalaang lungsod sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pag-atake at mapanagot ang mga ito.

“In the meantime, you may message the Marikina City Rescue 161 Facebook page for any concerns. We will continue to provide information and much-needed assistance to our constituents. Rest assured, those behind this hacking will face the full force of the law. The local government of Marikina is now coordinating with the local police to identify the individuals behind this,” dagdag pa niya.

Tags: Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro

You May Also Like

Most Read