FB PAGE, NABAWI NA NG PCG

By: Carl Angelo

INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na nabawi na nito ang kanilang Facebook page matapos na muling nabiktima ng hacking nitong nakaraang Mahal na Araw.

Ayon sa PCG, dakong alas-9:00 ng umaga kahapon nang tuluyan nang mabawi ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang official FB page.

Napag-alaman kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na nakipag-ugnayan ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na nasa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT), gayundin sa Meta, upang magsagawa ng backend operations at i- assess ang naturang security breach.


Kasalukuyan pa rin umanong tinutukoy ng mga awtoridad kung sino ang mga nasa likod ng cyber attack sa PCG

Magsasagawa umanoang CGPAS ng panibagong hardware check sa mga IT experts mula sa Coast Guard Weapons, Communications, Electronics and Information System Command upang palakasin ang kanilang cybersecurity measures.

Noong Pebrero ay na-hack na din ang FB page ng PCG at muling naulit nitong Biyernes Santo.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read