FAULTY ELECTRICAL WIRING, SANHI NG SUNOG SA PNP FORENSIC LAB

By: Victor Baldemor Ruiz

Ito ang inihayag ng mga arson probers matapos ang may 20 minutong sunog na naganap sa Philippine National Police’s Forensic Group office sa Camp Crame, Quezon City kamakalawa.

Ayon sa mga imbestigador, faulty electrical wiring ang nakiitang pinagmulan ng apoy sa isang bahagi ng PNP Forensic Lab partikular na sa firearms testing center ng PNP.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog 3:42 kamakalawa ng hapon na tumagal ng halos 10 minuto bago tuluyang idineklarang fire under control.

Wala namang nasaktan subalit kasalukuyan ngayong inaalam ang lawak ng naging pinsala ng nasabing sunog.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuaño, nag-umpisa ang apoy sa ballistic testing area, na halos katabi lamang ng explosive laboratory.


Tags: Philippine National Police’s Forensic Group

You May Also Like