Latest News

FAST-TRACKING SA IMPORTATION SA PINAS, ISINUSULONG NG BOC

By: Victor Baldemor Ruiz

Ito ang dahilan kaya nagsagawa ngayon ng Super Green Lane Stakeholders (SGL) Summit ang BOC sa layuning pabilisin ang proseso ng pag-import ng mga produkto sa Pilipinas.

Sinasabing sa pamamagitan ito ng pagbibigay-daan sa mga importer na magkaroon ng access sa paperless transaction bago ang pagsusumite ng mga manu-manong kopya ng mga dokumento sa pag-import.


Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang Authorized Economic Operator Program (AEO), isang trade facilitation program na naglalayong maitaguyod ang mga secured international trade supply chain gamit ang risk management at modern technology.

Itinampok ng kaganapan ang role ng Super Green Lane para sa pagpapabuti ng pagpapadali at pagsunod sa mga pangunahing stakeholder.

Una na rito, ang nasabing events ay pinangunahan ng Bureau of Customs-Assessment and Operations Coordinating Group na objective na Madali ang proseso ng importation sa ating bansa.


Tags: Authorized Economic Operator Program (AEO)

You May Also Like