Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang paggamit ng ” fake stamps ” ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagpapaalis ng mga ipinupuslit na indibiduwal.
“We’re already investigating that. We’re asking the NBI to investigate it,” ani Remulla sa isang ambush interview.
Una nang ibinulgar sa pagdinig ng Senado noong Martes na may nage-escort sa mga biktima ng human trafficking sa airport at inaayos ang kanilang pag-alis sa pamamagitan ng pekeng exit stamp.
Isa umanong alyas ‘Paolo’, ang nagre-recruit para magtrabaho sila bilang customer service representatives sa Thailand pero ipadadala sa Myanmar para maging scammer.
“Well, ‘yung findings ng hearing pa rin ang aming— we’re making the starting point of the investigation because the hearings were very revealing as to the modus operandi,” ayon pa sa Kalihim.
Ayon kay Remulla,posibleng may mga taga- BI na sangkot sa iregularidad. (Carl Angelo)














