Facemask sa workplace, boluntaryo na din

NAGPALABAS kahapon ng panuntunan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na boluntaryo na rin ang pagsusuot ng facemask ng publiko sa mga pook ng paggawa o “workplace”sa buong bansa.

“This Advisory shall cover all workers and workplaces in the private sector. The wearing of face masks in workplaces shall be voluntary,” ayon sa inilabas na Labor Advisory No. 22 nitong Nov. 2 na pinirmahan ni Secretary Bienvenido Laguesma.


Ang hakbang ay bilang pagsunod sa Executive Order No. 7 ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Oktubre 28, na nagtatanggal sa mandatoryong pagsusuot ng facemask sa mga indoors.

Sa kabila nito, mananatili ang “mandatory mask rule” sa tatlong lugar. Kabilang dito ang mga: healthcare facilities; medical transport vehicles, tulad ng mga ambulansya; at lahat ng pampublikong uri ng transportasyon sa lupa, ere o dagat.

“Elderly, immunocompromised, unvaccinated, and symptomatic individuals, individuals with comorbidities, and pregnant women are highly encouraged to wear face masks,” dagdag pa ng advisory ng DOLE.


Hinikayat ng DOLE ang lahat ng mga employers at manggagawa na magtulungan para matiyak na ligtas ang lahat ng kundisyon sa paggawa na sumusunod sa mga probisyon ng Labor Code of the Philippines, na inamiyendahan ng Republic Act 11058, at minimum public health standards. (Jantzen Tan)


Tags: Department of Labor and Employment (DOLE)

You May Also Like