Latest News

FACEMASK, GAWING BAHAGI NG BUHAY — DUQUE

INIREKOMENDA ni Health Secretary Francisco Duque III na gawin nang bahagi ng buhay ng mga Filipino ang pagsusuot ng facemask.

” Hindi ako payag, para sa akin konserbatibo ako sa pagsusuot ng facemask dahil nakakatulong laban sa iba’t ibang sakit. Sa allergy nakakatulong rin yan,” ayon kay Duque.

Ang “Hugas,iwas suot facemask”, ang pinaka epektibong panlaban sa sakit hindi lamang sa COVID 19 kundi sa lahat ng Infective diseases.


Sinabi pa ni Duque na may dalawang taon na siyang hindi nagka trangkaso mula ng magsimula ang pandemic dahil sa pagsusuot ng facemask.

Ang Pilipinas umano ay bansa ng “INfective diseases” at ang mask ay panangga natin sa mga mikrobyo.

Kinumpirma ni Duque na 90% ang ibinaba ng mga nakakahawang sakit base sa monitoring ng Epidiomology ng DOH dahil
sa facemask.

Kaugnay nito,sinabi ni Duque na patuloy pa rin na aumunid sa minimum health standard kesa magpa anti-gen test.


Sinabi ni Duque na maski sa ibang bansa ay bumaba na ang isinasagawang testing dahil karamihan sa dinadapuan ng Omicron variant ay asymptomatic o walang nararamdaman. (Jeremie Akizha)

Tags: Health Secretary Francisco Duque III

You May Also Like

Most Read