Latest News

Facemask at ‘proof of full COVID-19 vaccination’ di na kailangan sa tourist spots

Hindi na inoobliga ang publiko at mga turista na magsuot ng facemask at magpakita ng ‘proof of full COVID-19 vaccination’ sa mga tourist spots sa bansa.

Ito ang nakalagay sa memorandum na inisyu ng Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT, ang pagluluwag sa health at safety guidelines sa mga tourism establishments ay bahagi ng hakbang para suportahan ang ‘national government liberalization’ ng COVID-19 restrictions sa bansa.


Ito ay para mapalakas pa ang pagbubukas ng turismo sa mga turista at biyahero.

Sa kasalukuyan,optional na lamang ang pagsusuot ng facemask sa outdoor at indoor base sa executive order ng Malakanyang noong Oktubre 2022.

Sa DOT Memorandum Circular 2023-0002, ,inalis ang unang requirement sa paglalagay ng plastic, acrylic barriers, at dividers sa designated areas, gayundin ang pagtanggal sa signages, visual cues at iba pang installation ukol sa health protocols.

Ayon pa sa DOT ,hindi na rin magi-isyu ng Philippine Safety Seal at ng World Travel and Tourism Council (WTTC) Safe Travels Stamp sa mga tourism enterprises na malalaman na sumusunod sa Joint Memorandum Circular No. 21-01 ng DOT at national government agencies para sa Safety Seal Certification Program at Memorandum Circular 2022-003. (Baby Cuevas)


Tags: Department of Tourism (DOT)

You May Also Like

Most Read