FACEBOOK, INATASANG ALISIN ANG MGA PAGES NG E-SABONG

IGINIIT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na paglabag sa FB (Facebook) standard ang pag-accomodate sa illegal activities ng E-sabong kaya’t mariin nilang hiniling sa Facebook na tanggalin ang iba’t ibang Facebook (FB) pages o accounts ng mga illegal E-sabong operations

Pormal na sinulatan ng DILG ang Meta Platforms, Inc., ang parent organization ng Facebook, upang iginiit nitong paglabag sa FB standard ang pag-papanatili ng account ng mga illegal E-sabong operators at pag accomodate sa kanilang iligal na operation.

Kasabay nito ay pinasalamatan din ni DILG Secretary Eduardo Año ang mabilis na pag aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na atasan ang lahat ng bank-supervised financial institutions na tanggalin ang lahat ng e-sabong operators sa listahan ng mga maaaring bayaran sa E-wallets tulad ng GCash at PayMaya.


“The Department of the Interior and Local Government (DILG) today thanked the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) for heeding the call of President Rodrigo Duterte to stop e-sabong operations in the country by immediately ordering its bank-supervised financial institutions (BSFIs) to remove all e-sabong operators from the list of merchants in their respective online applications” pahayag ni SILG.

“Malaking bagay ang ginawang direktiba ng BSP na ipatanggal ang e-sabong sa listahan ng mga maaaring bayaran sa e-wallets tulad ng G-Cash at PayMaya. Salamat, BSP, sa mabilis na aksyon at pagtugon sa utos ng Pangulo,”anang kalihim.

“Inaasahan namin na makikiisa rin ang Facebook sa pagpapatigil ng e-sabong sa pamamagitan ng pag-block sa mga e-sabong accounts o pages,” ayon kay Sec Año.

Sa katunayan, isinumite ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa Meta ang listahan ng pitong FB pages, groups at mga accounts na tinukoy ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group na nagpapatakbo ng illegal E-sabong.


Ani Malaya, dapat nai-block agad ng FB at sa kanilang ibang subsidiaries ang pag-activate ng E-sabong operation. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Department of the Interior and Local Government (DILG )

You May Also Like

Most Read