Latest News

Face shields, di na requirement sa pagboto

HINDI na ire-require ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng face shields sa araw ng botohan, sa mga lugar na nasa ilalim na ng COVID-19 Alert Levels 1, 2 at 3.

Sa new normal manual ng Comelec na nai-publish nitong Pebrero 18, nabatid na ang paggamit ng face shields sa pagboto sa halalan sa Mayo 9, 2022 ay magiging boluntaryo na lamang sa mga lugar na nasa ilalim na ng Alert Levels 1, 2, at 3.

Gayunman, kinakailangan pa rin ng mga botante na magsuot ng face mask at obserbahan ang minimum public health protocols sa mismong araw ng halalan para na rin sa kaligtasan ng lahat.


Sasailalim rin ang mga botante sa non-contact temperature check pagpasok sa polling places.

Nabatid na ang mga may temperaturang 37.5 degrees Celsius ay dadalhin sa mga nakaantabay na medical personnel, at kung sila ay may lagnat ay dadalhin sila sa isolated polling place upang makaboto.

Matapos ang eleksiyon, ang mga Boards of Canvassers ay dapat ring tumalima sa magpatupad ng minimum public health standards.

Dapat rin nilang tiyakin na ang kabuuang bilang ng mga taong nasa loob ng canvassing venue ay hindi lampas sa operational capacity nito.


Tiniyak naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang kaligtasan ng mga mamamayan ang kanilang pangunahing concern sa pagsasagawa ng halalan. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read