FA-50 SUPERSONIC FIGHTER JET NG PAF NAWAWALA, SEARCH AND RESCUE SA 2 PILOTO INILUNSAD

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine Air Force na agad magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa naganap na sakuna na kinasasangkutan ng isang supersonic fighter jet na inulat na nawawala at may lulan na dalawang piloto.

Ayon sa Philippine Air Force, isang FA-50 fighter jet at crew nito ang inulat na nawawala habang nagsasagawa ng overnight mission in support sa ground troops operation bagamat hindi tinukoy ang lugar.

Ang two-seater jet ay nawalan umano ng contact sa mga kasama nito sa operation. Nabatid pa na nakablik na ang isa sa eroplanong kasama sa nasabing night mission. Nagmula ang mga fighter jet ng PAF sa Mactan–Benito Ebuen Air Base.


“The PAF is conducting extensive and thorough search operations, utilizing all available resources, to locate the missing jet fighter aircraft. Our primary concern is the safe return of our aircrew,” ayon sa inilabas na statament.

Kinumpirma ng isang senior officer sa Army 4th Infantry division na may nagaganap na malaking sagupaan sa kanilang nasasakupan laban sa mga nalabing communsit New People’s Army.

May mga ulat na nakita na umano ang dalawang nawawalang piloto subalit wala pang gustong magkumpirma nito kahapon at kung ano ang nagyari sa kanilang eroplano.

Ang Phil. Air Force ay bumili ng 12 FA-50 fighters mula sa South Korea sa halagang P18.9 billion.


Tags: Philippine Air Force

You May Also Like

Most Read