Latest News

EX PRESIDENT RODRIGO DUTERTE NAKIPAGKITA KAY CHINESE PRESIDENT XI JINPING

By: Victor Baldemor Ruiz

KINUMPIRMA ng Chinese Embassy in Manila na nakipagkita si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes kay Chinese President Xi Jinping.

Sa nasabing pagbisita ay sinasabing umaasa si Xi Jinping na patuloy na isusulong ni Pangulong Duterte ang “friendly cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa.


Hindi nagbigay ng pahayag ang embahada ng China kung opisyal bang kinumbida ng Chinese President si Duterte. Hindi pa nagbigay ng pahayag kung pumunta ba ito on his own or on official capacity , bilang kinatawan ba ng bansa o sugo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

Sinasabing naganap ang pagkikita ng dalawang lider sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing, ayon sa Chinese media.

“President Xi said he appreciates the strategic choice Mr. Duterte made to improve relations with China during his presidency and his important contributions to friendly exchanges between the two countries,” pahayag ni Hua Chunying, spokesperson ng Chinese Ministry of Foreign Affairs.


Sinabi pa ng tagapagsalita na pinahahalagahan ng China ang relasyon sa Pilipinas sa Asian giant at naka handang makipagtulungan sa Manila para masustentuhan ang pagyabong ng ng kanilang bilateral relations.

Sa pahayag ng Chinese controlled media , umaasa umano si Xi na patuloy na gagampanan ni Duterte na naging pangulo ng bansa mula 2016 hanggang 2022 ang mahalagang papel para sa friendly cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.


Sinasabing nagpasalamat si Duterte sa China para sa “valuable support ‘ nito sa ekonomiya at social development ng Pilipinas.

Pahayag umano ng pangulo ” saying that the friendly relations between the two countries serve the best interest and “conforms to the aspirations of the majority of the Filipinos,” ayon sa Chinese media.


Tags: Chinese President Xi Jinping, dating Pangulong Rodrigo Duterte

You May Also Like