EX-PNP-SAF DIRECTOR, BAGONG MAMUMUNO SA PDEA

Opisyal nang nagtalaga ang Malacanang ng hahalili kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva .

Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating PNP-Special Action Force Director, Retired General Moro Lazo bilang bagong Director-General ng PDEA.


Sa isang pahinang appointment letter na may petsang Oktubre 19, ipinagkakatiwala ng Punong Ehekutibo kay Gen. Lazo ang liderato ng ahensya na may mandatong sugpuin ang drug menace sa bansa.

Pinalitan ni Lazo si Wilkins Villanueva, na dalawang dekadang naglingkod sa hanay ng drug law enforcement mahigit isang linggo matapos na madakip ng PDEA anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa ikinasang anti-illegal drug operation ng ahensya.

Napag-alaman na si Lazo ay tubong Laoag City na na-appoint bilang SAF chief noong 2015.


Samantala, nagpasalamat naman si Villanueva kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagtalaga sa kanya bilang PDEA Chief at maging kay Pangulong Marcos na hinayaan aniya siyang manatili sa pwesto hanggang nakapagtalaga ito ng bagong hepe ng ahensya. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Retired General Moro Lazo

You May Also Like