Naagnas na at mabaho na ang bangkay ng dating beteranong reporter at naging Pangulo ng National Press Club of the Philippines(NPC) nang matagpuang walang buhay sa tinutuluyan niyang Condominium sa Vista Condominium ,kamakalawa ng umaga sa Taft Avenue corner Vito Cruz St., Malate,Maynila.
Ayon kay PLt.Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicidd section,naragpuan ang biktimang si Alfredo Lobo Y Mañosa,66, certified public accountant at nanunuluyan sa Unit 706 Vista Condominium na matatagpuan sa 2587 Taft Avenue,Malate,Maynila.
Sa imbestigasyon ni PSSg Zoilo Nazario, ng MPD-hs, noong Hunyo 12,isang tenant ang nagreklamo sa security guard na si Edwin Beroin dahil sa masansang na amoy sa ika pitong palapag.
Nagsagawa naman ng inspeksiyon ang mga guwardiya pero kinabukasan pa nila natukoy ang masansang na amoy na nanggagaling sa Unit na inookupa ni Lobo.
Tinangka umano nilang tawagan ang cellphone ni Lobo pero hindi nito sinasagot ang tawag kaya binuksan na ni Mark Jerome Caliso,property manager ng Consominium at nakita si Lobo na nakahandusay sa loob ng comfort room ng kanyang unit na walang buhay at naagnas na ang bangkay.
Nabatid na Hunyo 14 na ng i-report sa MPD-hs ang pagkamatay ni Lobo. (Philip Reyes)














