Latest News

Ex- Kagawad, kulong sa malversation of public funds

By: Jerry S. Tan

Sa kulungan bumagsak ang isang dating barangay kagawad na may siyam na taon nang nagtatago sa batas, matapos na arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayorโ€™s Reaction Team (MPD-SMaRT) kamakalawa ng gabi sa harap ng Aristocrat Restaurant sa may Roxas Blvd., Malate, Maynila.

Si Rogelio Carpentero,62,ex-Kagawad at residente ng Blk. 23 Lot23, Parksville Residences, Alapan ll-A, 41203, Imus, Cavite ay inaresto sa bisa ng arrest warrant inisyu ni Pagadian City Presiding Judge Dennis Vicoy na may petsang Mayo 2l,2014.


Napag-alaman kay PMajor Edward Samonte,hepe ng SMaRT, na si Carpentero ay nahaharap sa kasong malversation of public funds through falsification of commercial documents at walang Inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Alas -8:20 ng gabi nang mamataan sa lugar ang suspek matapos ang isinagawang surveillance ng pulisya .

Nakadetine sa tanggapan ng SMaRT ang suspek at hinihintay na lamang ang commitment order nito mula sa korte.


Tags: Manila Police District- Special Mayor's Reaction Team (MPD-SMaRT)

You May Also Like

Most Read