Ex-hubby ni Barbie Hsu, pinagbawalan ng Chinese social media na na i-exploit ang pagkamatay ng aktres para kumita

By: Beth Gelena

ANG dating asawa at dating biyenan ni Barbie Hsu ay ipina-ban sa Douyin, itinuturing na Chinese version ng TikTok, dahil sa umano’y pagsasamantala sa pagkamatay ng yumaong aktres para sa pinansyal na pakinabang.

Ayon sa report ng Chinese at Taiwanese media outlets kabilang ang Global Times, Beijing News at The Paper na indefinite suspension ang ipinataw ng Douyin ang mga account ng dating biyenan ni Barbie na si Zhang Lan at Wang Xiaofei, ang kanyang ex-husband.


Paliwanag ng Douyin sa pagsususpinde: “Ginamit nila ang pagkamatay ni Hsu para sa labis na pag-advertise at marketing, nagrekomenda ng mga maling video para sa komersyal na pakinabang, paulit-ulit na nag-post ng mapanlinlang na content at lumikha ng mga ilegal na promo videos para sa kumita. Sa kabila ng mga naunang babala, hindi nila itinuwid ang kanilang mga aksyon.”

Idinagdag pa ng platform na ito ay “magpapaigting ng mga crackdown sa lahat ng uri ng mga paglabag at mga maling impormasyon upang matiyak ang isang responsableng komunidad.”

Ang Weibo, na madalas na tinatawag na China’s X, ay nag-anunsyo din ng pagbabawal sa mga live broadcast ni Zhang, dahil sa “malisyosong pag-post o pagkalat ng mga tsismis na pumipinsala sa namatay at sa kanyang pamilya.”


Iniulat na si Zhang ay nakakuha ng malaking halaga mula sa isang Douyin live na broadcast noong araw na dumating ang mga labi ni Hsu sa Taiwan.

Sa panahon ng stream, binanggit niya ang pagpanaw ni Hsu, na umani ng 286,000 manonood at nakabuo ng higit sa 1 milyong yuan ($139,000) na kita.


Samantala, ang mga maling pahayag ay kumalat sa Weibo na nagmumungkahi na sinagot ni Wang ang mga gastos ng isang pribadong jet para ihatid ang mga labi ni Hsu.

Bilang tugon, pinabulaanan ng nakababatang kapatid na babae ni Hsu, ang TV personality na si Dee Hsu, ang tsismis sa pamamagitan ng kanyang ahensya, na nagsabing: “Ang aming pamilya at ang aking asawa ang personal na humawak sa lahat ng mga kaayusan sa libing. Hindi ko maintindihan kung bakit kumakalat ang ganoong mga kasinungalingan.”


Si Barbie Hsu, sumikat sa kanyang role bilang si “San Cai” sa TV series na “Meteor Garden”, ay asawa ng Korean singer na si DJ Koo (Koo Jun-yup) na yumao noong Pebrero 2 dahil sa komplikasyon ng pneumonia na dulot ng trangkaso habang nagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang pamilya.

Tags: Barbie Hsu

You May Also Like