Ex-cop, arestado sa frustrated homicide

Natapos,ang 11-taong pagtatago ng isang dating pulis na may “standing arrest warrant” sa kasong frustrated homicide matapos na maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD),kamakalawa ng gbi sa may Quezon Boulevard malapit sa Quiapo Church sa Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-Special.Mayor’s Reaction Team(SMaRT),ang suspek na si PO1 Pedro Reyes,55, dating miyembro ng PNP at nasa.listahan ng.Most.Wanted Person sa District Level.


Ang pag aresto kay Reyes ay bahagi ng PNP Revitalized Internal Cleansing Program kung saab ang arrest warrant ay inisyu ni Judge Albert Tenorio ,Jr. ng Manila RTC Branch 14.

Bago ang pag aresto sa suspek nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa nakabinbing kaso ng suspek,kaya nagsagawa nh surveillance operarion na nagresulta sa pagkakaareato sa suspek.

Sinabi ng suspek na ang kaso ay nag-ugat matapos na makasagutan ang isang lalaki na nanggugulo ang kapitbahay niyang laaing noong Disyembre 31,2011.


Kinompronta umano niya ang complainant hanggang magkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa suntukan hanggang makadampot siya ng fan knife at sinaksak ito sa ulo.

Mula noon ay nagtago na umano siya hanggang sa maaresto ng mga pulis.


Tags: MPD-Special.Mayor's Reaction Team(SMaRT)

You May Also Like