AGAD na nasawi ang isang ex- convict matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiko sa Bambang Street,Tondo, Maynila.
Dead-on-arrival (DOA) sa Metropolitan Hospital,ang biktimang si Henry Pangilinan,alyas Tutong, ng1255-E Bambang St., Brgy. 254, Zone 23, Tondo, Maynila.
Nasawi ang biktima dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan matapos barilin ng suspek na nakasuot ng helmet, kulay itim na long sleeves at habang naka-angkas sa isang diumano ay Joyride rider.
Napag-alaman na nakatayo ang biktima sa Bambang Street nang dumating ang mga suspek at kaagad na pinagbabaril ang biktima at saka tumakas papunta sa direksiyon ng Jose Abad Santos Avenue.
Diumano, ang biktima ay kalalaya lamang sa Manila City Jail noong Oktubre 3,2024 dahil sa kasong paglabag sa RA10591 na kilala bilang illegal possession of firearms.
Patuloy na iniimbestigahan ng Manila Police District -homicide ang motibo sa pagpaslang sa biktima..#