Dagliang nasawi ang isang ex-convict matapos na pagbabarilin sa labas ng kanyang bahay sa Balut, Tondo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Elyzar Dagoy y Mejia ,alyas Pancho, 39, ng 103 Alabat St., Brgy. 146, Balut, Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa iba’tbang bahagi ng katawan, habang nakatakas naman ang suspek na si Arjhay Juco Pagudar ,alyas “RJ BATA”, at taga 246 Malaya St., Balut, Tondo.
Naganap umano ang insidente alas-4:30 ng hapon sa na anggut na lugar.
Sinabi ng kinakasama ng biktima na si Jillian Bianes y Coprada, 26, na bago ang insidente ay may narinig na boses ng isang babae ang biktima na pinalalabas siya ng bahay .
Lumabas naman ng bahay ang biktima subalit kaagad itong pinagbabaril ng suspek na nakaabang sa biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen at ayon sa paunang iimpormasyon ng pulisya, nakulong ang biktima dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at kalalaya lamang.














