Latest News

Ex-CJ Bersamin bagong ES ni PBBM

Tuluyan nang nasungkit ni dating Chief Justice Lucas Bersamin ang posisyong iniwan ni Executive Secretary Vic Rodriguez Jr.

Sa katunayan, nanumpa na si Bersamin para sa kanyang bagong posisyon sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“He began his duties immediately by attending the 9th cabinet meeting right after swearing in,” ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Matatandaang nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang ES si Rodriguez dahil sa kanyang pamilya.

Sinabi ni Rodriguez na nagpapasalamat siya kay Pangulong Marcos dahil sa tiwala sa kaniya para i-pwesto sa nasabing posisyon.

Aniya, 24 oras ang trabaho ng Executive Secretary na araw-araw ay kailangan ang serbisyo.
Matindi aniya ang demand ng pagiging Executive Secretary para makapagbigay ng on time na serbisyo sa publiko.

Tiniyak naman ni Rodriguez na kahit hindi na siya ES ay magpapatuloy ang serbisyo nito sa taumbayan bilang Presidential Chief of Staff.

Tags:

You May Also Like

Most Read