Latest News

EX-BFP CHIEF, NAGHAIN NG NOT GUILTY PLEA, SA UMANOY P4-M NA SUHOL

By: JESSE RUIZ

Naghain ng ‘not guilty’ plea nitong Biyernes ang dating direktor ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Jesus Fernandez kaugnay ng mga kasong graft kaugnay ng diumano’y pagtanggap ng P4-milyong suhol ukol sa pagbili ng mga ambulansya.


Nagpasok ng plea si Fernandez sa harap ng Sandiganbayan Third Division na pinamumunuan ni Associate Justice Ronald Moreno kaugnay ng paratang na pagtanggap niya ng pera mula sa isang pribadong indibidwal kaugnay ng pagbili ng 132 ambulansya na nagkakahalaga ng P485 milyon.

Nag-ugat ang mga kinakaharap na sakdal sa umanoy maanomalyang pagbili noong 2024 ng 132 units ng Type I Basic Life Support ambulances na nagkakahalaga ng P485 milyong piso.

Nahaharap din si Fernandez sa mga kasong graft at indirect bribery sa Fourth Division ng hukuman dahil sa diumano’y P10-milyong suhol na natanggap noong Nobyembre 21, 2024, pati na rin ang hiwalay na kasong indirect bribery sa Fifth Division.


Nagmula ang mga kaso sa reklamo na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) pagkatapos ng fact-finding investigation ng Task Force BFP Accountability sa kontrata ng ambulansya.

Iginawad ang kontrata sa Toyota Mabolo, na nakipag-joint venture sa Autozone Prime Distributors, Inc.




Diumano’y nagpadala ang kinatawan ng joint venture na si Rosaverna Sangga ng kabuuang P14.75 milyon kay Fernandez, na noo’y tagapangulo ng Bids and Awards Committee (BAC).

Maghaharap ang prosecution ng hanggang siyam na testigo sa pagsisimula ng paglilitis sa Oktubre 21, kabilang ang isang miyembro ng BAC secretariat, isang fire inspector, at isang kinatawan ng joint venture.


Samantala, inaasahang maghaharap naman ang defense ng hanggang apat na testigo.

Tags: Jesus Fernandez

You May Also Like

Most Read