Nabigo na humarap ang suspendidong Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista sa patawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa pagbili ng sibuyas ng kanyang ahensiya.
Nabatid na nag-isyu ng subpoena ang NBI Anti Organized and Transnational Crimes Division kay Evangelista Para ipaliwanag ang kanyang panig.
Noong Martes natanggap ng kanyang tanggapan ang subpoena.
Si Evangelista ay nakatakda sanang magpunta sa NBI nitong Huwebes ng umaga pero hindi ito dumating maging ang kanyang kinatawan.
Nabatid na si Evangelista ay iniimbestigahan dahil sa P140- milyong sibuyas na binili ng Department of Agriculture (DA) noong nakalipas na taon sa Bonena Multipurpose cooperative sa halagang P537 kada kilo.
Nabatid na ang ginawa ni Evangelista ay nagpaigting sa pagtaas ng presyo ng sibuyas, gayundin sa importasyon ng sibuyas.
Nalaman na ang mga. miyembro ng kooperatiba ay nagsumite.nNg affidavit sa NBI kung saan sinabi nila na ang kanilang records ay pinalsipika at wala silang kinalaman sa pagbili ng sibuyas .
Sinabi pa ng mga mga miyembro na ang kanilang chairman ang nakipag-usap sa DA.
Una nang sinabi ni Evangelsita na makikipag-kooperasyon siya sa imbestigasyo, matapos suspendihin ng Ombudsman.