INIHAYAG ng European Union (EU) na magpapadala sila ng mga kinatawan para sa kanilang Election Observation Mission sa Pilipinas upang obserbahan ang nakatakdang May midterm elections.
Ayon kay High Representative/Vice President of the European Commission (HR/VP) Kaja Kallas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpapadala ng EOM ang European Union bunsod na rin ng inihaing imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec).
Hinirang ni Kallas si Marta Temido, miyembro ng European Parliament, bilang chief observer.
“It will be a privilege to lead the 2025 EU Election Observation Mission to the Philippines. We look forward to meeting and engaging with representatives of State institutions, political parties, candidates, civil society, and other electoral stakeholders in the Philippines,” pahayag pa a ni Temido.
Kaugnay nito ay tiniyak ng EU na magbibigay ng komprehensibo, independent at impartial assessment ng electoral process ang EOM batay sa international at regional standards para sa democratic elections.
Napag-alaman na nakatakdang maglabas ng kanilang final report ang EOM team, kabilang ang kanilang rekomendasyon, para sa electoral processes sa hinaharap.