Latest News

Estudyanteng lalaki, tumalon o nahulog sa gusali, patay

By: Philip Reyes

Nasawi ang isang estudyante ang patay matapos umanong tumalon o mahulog sa isang gusali sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng hapon.

Hindi na pinangalanan ang biktima na 15-anyos lamang ang edad at residente ng Sampaloc, Manila.

Batay sa sketchy report ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong ala-1:45 ng hapon nang makarinig ang mga residente ng malakas na kalabog at mga nagsiklabang kuryente sa isang gusali sa A. H. Lacson St., sa Sampaloc.


Nang kanilang alamin kung ano ang nangyari, namataan ang binatilyo na wala nang buhay at nakabitin sa mga kawad ng kuryente.

Kaagad namang inireport ng mga otoridad sa mga tauhan ng MPD- Sampaloc Police Station 4 at sa Manila Electric Company (Meralco) ang pangyayari upang maimbestigahan kung tumalon ito o nahulog.

Tags: Manila Police District (MPD)-Homicide Section

You May Also Like

Most Read