Latest News

ESTUDYANTE, SUGATAN SA NAGWALANG KOTSE, MGA POSTE AT BARRIERS, INARARO

By: Baby Cuevas

Nagtamo ng sugat ang isang lalaking estudyante nang masira ang kanyang sasakyan at araruhin ang mga barriers at solar light post kahapon ng madaling araw sa harap ng Metropolitan Theater sa P. Burgos sa Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section, naganap ang insidente alas- 2:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar .

Binabagtas umano ni Robin Christian Martinez, 21, ng No. 267 Governor A Santos B F Homes 1, Para?aque City, NCR, Fourth District, 1720 ang northbound lane ng nabanggit na lugar nang pagsapit sa harap ng MET ay nagloko umano ang transmission ng kanyang sasakyang Honda Jazz.


Nawalan umano siya ng kontrol at aksidenteng tinamaan ang fence barrier na nasa inner lane at patuloy na umandar pakanan ang sasakyan at tinamaan na rin ang fence barrier na nasa outer lane.

Sa lakas ng impact ay tinamaan na rin ni Martinez ang solar light post na nasa inner lane at bumagsak ito.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Martinez para gamutin ang tinamong sugat at nakatakda umano itong pagbayarin sa mga nasirang ari-arian ng gobyerno.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section

You May Also Like

Most Read