Latest News

Estudyante, nakaligtas sa kamatayan matapos araruhin ng kotse; video, nag-viral

Nagtamo ng mga sugat ang isang 22- anyos na college student , matapos na araruhin ng isang kotse habang naglalakad sa bangketa, kamakalawa ng hapon sa westbound lane ng Dapitan St., Maynila.

Nag-viral sa social media ang video ng insidente habang naglalakad ang biktimang si Jo-Anne Nicole Ramos, ng Obando, Bulacan.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section, naganap ang insidente ganap na 1:41 ng hapon sa panulukan ng Dapitan at J. Marzan Streets sa Sampaloc, Maynila.


Nakita sa video na naglalakad ang biktima na nakasuot pa ng unipormeng puti sa bangketa nang biglang dumating ang kulay pulang Honda City na may plakang NCI-4420 at minamaneho ni Merlita Aday, 60, ng No. 948 E. Quintos St. Sampaloc at nabundol ang noon ay nakatalikod na biktima at nakaladkad pa ito.

Nabatid na umakyat sa bangketa ang kotse at sinabi ng mga imbestigador na nawalan ng kontrol si Aday.


Isinugod naman sa UST Hospital ang biktima lulan ng ambulansiyaat nangako si Aday na sasagutin ang lahat ng gastos sa pagpapagamot ng biktima. (BABY CUEVAS)


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section

You May Also Like

Most Read