Estudyante, nagbigti

Natagpuang patay ang isang 19-anyos na estudyante matapos na magbigti umano kamakalawa ng gabi sa roof op ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni PSMS Niño Baladjay, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, na ginamit ng biktimang si Napoleon Ferrer, ng 95-D Quirino St.Tondo ang sampayan ng damit sa kanyang pagbibigti.

Alas- 6:40 ng gabi nang dumating sa kanilang bahay ang kapatid ng biktima na si Lorrence Ferrer,24 at hinanap ang biktima sa loob ng bahay. Pag- akyat sa roof top ay doon na niya nakita na nakabigti ang biktima.


Ayon kay Laxmi Camarines,kaibigan ng pamilya, huli niyang nakitang buhay ang biktima alas- 6 ng gabi habang naglalaro ng ‘mobile legend’ sa kanyang kama.

Ani Lorrence, ang biktima ay mabilis na ma-depress kahit sa maliit na problema lamang.


Samantala ay tumanggi ang pamilya na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng biktima sa paniniwala na walang foul play na naganap dito. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read