ESTUDYANTE, NAGBIGTI DAHIL SA PAGKAKAROON NG AMOEBIASAS

By: Baby Cuevas

Isang 18-anyos na estudyante na umano’y dumaranas ng depresyon matapos na ma- diagnose na may amoebiasis ang natagpuang walang buhay,noong Lunes ng gabi sa may Gate 17 Parola Compound,Tondo, Maynila at pinaniniwalaang nag-suicide.

Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Dennis Suba,ng Manila Police District -homicide section, ginamit ng biktima, residente ng Parola Compound,Tondo, ang isang kumot na itinali nito sa baluster ng hagdanan para magbigti.


Alas-6 ng gabi nang makita ang biktima ng kapatid at madrasta nito, habang siya ay nakabigti.

Dumaranas umano ng depresyon ang biktima na mas lalong tumindi matapos itong ma -diagnose na mayroong amoebiasis.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like