Latest News

Estudyante, magpa-booster bago pa magsimula ang F2F classes – Marcos

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang mga estudyante na magpa- COVID19 booster shot bago pa magsimula ang face -to -face classes ngayon buwan.

“Una na riyan ‘yung panigurong nakapag-booster shot na ang lahat lalong lalo na ang ating mga kabataan para siguradong handa ang pangangatawan nila sa pagbabalik eskuwela,”ayon kay Marcos sa kanyang lingguhang vlog.

Ayon kay Marcos, nasa 15.9 milyong Pilipino na ang nakatanggap ng kanilang booster shot habang nasa 1.2 milyon naman ang nakatanggap ng 2nd booster shot.


“Hindi pa ito magandang numero kumpara sa target natin na 100 percent kaya hindi tayo magsasawa na pakiusapan ang ating mga LGU na maging mas agresibo dito sa kampanyang ito,” ayon pa kay Marcos.

Kasabay nito,pinaalalahanan din ni Marcos ang mga drivers ng pampublikong sasakyan na tiyakin na masusunod ang minimum health at safety protocols.


Ayon kay Marcos,kung magiging matagumpay ang implementasyon ng face- to- face class ay magiging mainam iyon para sa ekonomiya.

“Kapag ito ay naging matagumpay, hindi lang ito balik eskwela, kungdi balik negosyo, balik hanapbuhay at balik kaunlaran,” dagdag ni Marcos.


Sinabi ni Marcos na target na mapabakunahan ng kanyang administrasyon ang 50% o 23 milyong eligible population sa loob ng kanyang unang 100 araw sa ilalim ng “PinasLakas” campaign program. (Anthony Quindoy)

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read