SA kulungan bumagsak ang isang 21-anyos na college student, matapos arestuhin ng mga barangay tanod dahil sa panggigigil sa puwet ng isang 19-anyos na babae, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ‘The Safe Spaces Act’ ang suspek na si John Apollo, 21, ng Bacoor Cavite.
Ayon sa reklamo ng biktima, naganap ang insidente ala-1 ng madaling araw sa Lobby of Parkways Suites na matatagpuan sa Conception Street sa Brgy. 470, Sampaloc, Maynila.
Kapwa umano nasa lobby ng Parkway Suites ang dalawa nang bigla na lamang hipuin ng suspek ang puwet ng biktima.
Kaagad nagsumbong ang biktima sa naka-duty na guard at gayundin sa mga barangay tanod sa lugar, kung kaya’t na nagresulta sa pagkaka- aresto sa suspek.
Nai-turnover na ang suspek sa Manila Police District -Police Station 14 para sa kaukulang kaso.














