Latest News

ESTUDYANTE, IPINAKITA SA BFF ANG PAGBIBIGTI

By: Baby Cuevas

ISANG 22-anyos na estudyante ang iniulat na nagbigti kahapon ng madaling araw sa kanyang inuupahang kuwarto sa Malate, Maynila,kung saan ipinakita pa umano nito sa kanyang “best friend” ang ginawa habang magka-video call sila.

Wala nang buhay ng abutan ng kanyang tiyahin ang biktima, na naninirahan sa Singalong Street sa Malate, Maynila.

Nabatid kay PCMS Dennis Suba,imbestigador ng Manila Police District -homicide section, na may tumawag umano sa tiyahin ng biktima at nagsabing tingnan ang kondisyon ng biktima sa inuupahan nitong kuwarto.


Ipinakita pa umano ng biktima ang pagpulupot nito sa kanyang leeg ng nylon na lubid at ang intensiyon nito na magpakamatay.

Sanhi nito kaagad tinungo ng tiyahin ang tinutuluyan ng biktima at dito na nakitang nakabigti ito at wala nang buhay.


Gayunman, kaagad tinanggal ang biktima sa pagkakatali at mabilis na isinugod sa Ospital ng Maynila pero idineklara itong dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read