Estapadora sa Negros Oriental, arestado sa Caloocan

Natunton ng mga tauhan ng Manila Police District- District Operation Unit ang Isang 30 -anyos na babaeng wanted sa kasong estafa, sa Negros Oriental sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa Dagat-dagatan, Caloocan City.

Nasa kustodiya bng MPD-DSOU ang suspek na si Rose Ann Montes,30, vendor at taga-Blk. 57, Lot 19, Sugpo St., Brgy. 8, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Si Montes ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Belcina Monceda, ng MTC Seventh Judicial Region, Canlaon City, Negros Oriental sa ilalim ng Criminal Case No. 2315-B.


Inirekomenda ng hukuman ang P18,000 piyansa para sa kalayaan ng suspek.

Si Montes ay nasa talaan ng wanted person sa district level. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District- District Operation Unit

You May Also Like

Most Read