Estafa queen, arestado ng NBI

By: Carl Angelo

Bumagsak sa mga kamay ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang babaeng may 90 kaso ng estafa sa isinagawang operasyon sa Muntinlupa City.

Napag-alamang ang suspek na si Pauline Go ,alyas Pauline Rivera, ay gumagamit ng 11 alyas para makapanggoyo.


Napag-alaman na aabot sa may P20 milyon cash at mga alahas ang kasong isinampa sa suspek sa Muntinlupa Regional Trial Court at sa iba pang korte sa Metro Manila.

Sa isinagawang beripikasyon sa rekord ng suspek, napag-alaman na Isang Janice del Rosario, kasama ang kanyang dalawang anak, ay nai-deport sa Canada matapos na makapanggoyo ng milyong dolyar na halaga ng cash bilang investment at alahas.

Sa isinagawang koordinasyon sa Correctional Institution for Women (CIW), nalaman na ang tunay na pagkakilanlan ng suspek ay Flordeliza Kong Pace Tayson.


Sa beripikasyon sa Bureau of Immigration (BI) at Department of Foreign Affairs (DFA), nagawa pa nitong makalabas ng bansa gamit ang ibang pangalan noong 2022.

Nitong Abril 24, naaresto ang suspek sa Isang high -end subdivision sa Muntinlupa sa bisa ng warrant of arrest na nakuha ng NBI-AOTCD operatives.


Inamin naman ng suspek na gumagamit siya ng iba’t-ibang pangalan para makaiwas sa mga nakaraang kaso.


Tags: National Bureau of Investigation

You May Also Like

Latest News