ESPANYOL, NATAGPUANG BANGKAY

By: Baby Cuevas

ISA nang bangkay at naaagnas na nang matagpuan ang isang Spanish national sa loob ng tinutuluyan nitong kuwarto noong Martes ng gabi sa Baseco ,Port Area, Maynila.

Kinilala ni PSSg Charles Benson Dela Torre ang biktima na si Kepa Miren Zubitor Sarasota,58, Spanish citizen at nanunuluyan sa BLK.15 Lot 180 Staging area, Baseco, Port Area,Maynila.


Ayon sa imbestigasyon, ala- 9:30 ng gabi nang madiskubre ni Juany Sapuldida,57, building helper, ang masangsang na amoy na nanggagaling sa kuwarto nito na nasa 4th.level ng Staging area.

Una umanong inatasan si Sapuldida ang may-ari ng gusali na alamin kung saan nanggagaling ang masamang amoy haya hinanap ito ni Sapuldida at nang mapagawi sa lugar ng biktima ay lalong lumakas ang nasabing amoy.

Kinatok umano ni Sapuldida ang pintuan pero hindi sinasagot ng biktima kaya puwersahan nang binuksan ang pintuan at tumambad sa kanila ang nakadapang biktima na naliligo sa sariling dugo.


Hinala ng mga imbestigador na.may sakit na tuberculosis ang biktima dahilan para sumuka ng dugo na siya nitong ikinamatay.


Tags: Kepa Miren Zubitor Sarasota

You May Also Like

Most Read