ISANG netizen ang nakapansin na hindi suot ni Erwan Heussaff ang wedding ring nila ni Anne Curtis habang nagluluto ito.
Sa kanyang IG stories ay tinuturo ni chef Erwan kung paanomagluto ng Chicken Cordon Bleu.
Aniya: “Chicken Cordon Bleu is always a fun dish to make, especially if you are getting tired of your chicken breast recipes.”
At habang pini- prepare ng mister ni Anne ang lulutuing chicken, napuna ng mapagmasid na mata ng netizen na walang suot na wedding ring si Erwan.
Kaya komento niya sa comment section: “He is no longer wearing the wedding ring.”
Na agad sinagot ni Erwan ang komento ng, “Lol, you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook,” with a smiley emoji.
Pinagtanggol naman ng ibang netizen si Erwan.
Anila: “Gumagawa ka ng issue”
“Sorry po, nasanay lg siguro ako na all vids mo you always wear it”
Pina-padelete naman ng isang commenter ang komento.
“Oa at marites at its best… Time to delete your nonsense comment”
“Issue si ate kaloka”
“Kaloka teh nilamon na ng fake news yang utak mo”
“Mahal ni Erwan ang family niya. Marites ka po masyado.”
Parang may ibig namang sabihin ang komentong ito.
“Mas gusto kong I’m wrong kaysa tama re: their rumor divorce. I like the family, but the way the couple and relatives handle the issue parang totoo compare before na nagkaka-issue sila. Again, I hope talaga na fake news lang at mali ako. But if its true, sana mag-second thought pa sila, try to reach out sa mga taong malapit sa kanila for opinions, see marriage and spiritual counselor, wala naman mawala try nila for the sake of their daughter. But pag wala na talaga nakakalungkot, nakahihinayang, hirap tanggapin. Maybe God have other plan for them. God bless the family!”
Hala, umiinit na talaga ang isyung hiwalayan nina Anne at Erwan.